Kahit Pumalpak Ang Serbisyo, Customer Mas Piniling Intindihin Ang Isang Delivery Rider
Photo credits: Google image, Ma Riz/Facebook |
Ayon nga sa kasabihan, "The customer is always right." Subalit mayroon talagang mga pagkakataon na nakakatanggap pa rin tayo ng poor o bad customer service.
Bilang isang customer, may karapatan tayong magsampa ng reklamo kung ang serbisyong natatanggap natin ay mali o hindi tama. Ang hindi tama ay ang magalit agad agad at idinadaan sa pagtaas ng boses o pamamahiya ng isang taong nagbibigay ng nasabing serbisyo.
Isang netizen ang nagbahagi ng kanyang saloobin patungkol sa bad service na kanyang natanggap mula sa isang delivery man. Gayunpaman, hindi raw niya ito pinahiya sa halip ay nagpakita siya ng kabutihan at pag-intindi dito.
Photo credits: Ma Riz/ Facebook |
Ayon sa post Facebook post ni Ma Riz,
"It was a bad service today Food Panda. The food arrived very late, coffee was already cold, sauce was spilled, rider was not contacting me."
Ang dahilan pala ay baguhan lamang daw ang rider kung kaya't hindi pa nito kabisado ang kanyang trabaho.
"Sorry Ma'am, first day ko pa kasi ngayon."
"May dos ka lang Ma'am? Kay tagaan tika 20" (Should be 8 kay worth 88php akong order)"
Saad ni Ma Riz, poor service ang kanyang natanggap subalit hindi ibig sabihin na mababang evaluation rin ang kanyang ibibigay dito. Aniya, "what we need really is a little kindness in this chaotic world."
Imbes na magalit at magbigay ng mababang rating sa rider ay mas pinili niyang intindihin na lamang ito. Aniya, nais lang raw talaga niyang magpakita ng kabutihan lalo na sa mga taong ang kanilang trabaho ay nakabase sa evaluation ng kanilang customer.
Photo credits: Google image |
Dapat nating isipin kung anong sakripisyo rin ang tini-tiyaga ng mga delivery riders na ito. Minsan mas inuuna pa nila ang kanilang mga customers kaysa sa kanilang sarili maihatid lamang nila ang kanilang mga deliveries.
May mga pagkakataon na kahit pagkain ang kanilang mga inihahatid, mismong sila ay hindi pa kumakain. Kung kaya't bilang isang customer, intindihin rin sana natin sila. Dahil kahit pumalpak minsan ang serbisyo nila, hindi nila deserve ang bastos na customer.
0 comments: