Mabait Na Lalaki Tinulungan Ang Isang Lolang Nanlilimos At Naglalakad Para Makauwi Sa Kanilang Probinsya
Photo taken: Pugong Byahero/ Youtube |
Sa isang Youtube channel na Pugong Byahero ay naitampok ang isang lola na nakitang naglalakad at nanlilimos sa kanyang mga nadaraanan dahil wala itong pamasahe pauwi sa kanilang probinsya.
Kwento ng vlogger na nakita niya ang matanda na nakilala bilang Aling Soledad Garcia, 68 taong gulang, na naglalakad sa may San Pedro, Laguna at napansin niya na sa bawat paghinto nito ay nanlilimos siya.
Photo taken: Pugong Byahero/ Youtube |
Nang tanungin kung bakit siya nanlilimos ay wika ng matanda na naubusan raw ito ng pamasahe pauwi sana sa kanila sa Ternate, Cavite.
Pinuntahan raw kasi niya ang kanyang pamangkin na nagtatrabaho sa isang fastfood chain subalit nailipat na pala ito sa ibang branch. Ngayon lang daw ulit siya nakapunta roon at hindi niya alam na wala na pala ang kanyang pamangkin doon.
Photo taken: Pugong Byahero/ Youtube |
Napag-alaman na may isang anak si Aling Soledad at wala na ang kanyang asawa. Pinagkakasya lamang raw niya umano ang kanyang pension na nakukuha sa SSS (Social Security System) para sa kanyang mga gastusin sa bahay subalit hindi pa rin ito sapat dahil sa binabayaran nilang upa sa bahay.
Nang tanungin kung magkano ang kanyang pamasahe ay Php170 daw, papunta pa lang iyon. At sa kanyang panlilimos sa daan ay naka Php 8 pa lang siya, malayo-layo pa sa kanyang kailangang pamasahe para makauwi sa kanila.
Photo taken: Pugong Byahero/ Youtube |
Nagbabaka-sakali na lamang siya na mayroon pang magbigay at maawa sa kanya dahil pagod na rin siya sa paglalakad.
Sa bandang huli ay binigyan siya ng vlogger ng isang libong piso at laking pasasalamat ng matanda dahil ang matitira raw sa kanyang pamasahe ay ipambibili raw nila ng bigas at kanyang gamot na pang-maintenance sa high blo0d.
Photo taken: Pugong Byahero/ Youtube |
Mangiyak-ngiyak na ang matanda dahil sa sobrang tuwa at dinagdagan pa ulit ng isang libo ang binigay sa kanya. Matapos nito ay isinakay na ng jeep ang matanda upang makauwi na ito sa kanila.
Napakabait niyo po Sir! Nawa'y pagpalain pa kayo!
0 comments: