Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain
Photo credits: Earl Archievan Calixtro/ Facebook |
May mga pagkakataon na ang kapwa natin ay nangangailangan ng tulong. Hindi man sila lumapit sa iyo, kung nakikita mo naman kung ano ang kanilang kalagayan ay kusa mo dapat silang tulungan dahil iyon ang tama at mabuting gawain.
Isang kwento ng isang nakakaawang lalaki ang naibahagi ng netizen na si Earl Archievan Calixtro sa kanyang Facebook account.
Kwento niya, napadpad raw siya sa Pampanga upang mananghalian sa fastfood chain na Mcdonald's nang may isang lalaking pumasok sa store at umorder. Umupo raw ito sa mesa kalapit sa kanya at pagdating ng kanyang inorder, ay isang tasang kanin lamang ito at tubig.
Photo credits: Earl Archievan Calixtro/ Facebook |
Naawa siya sa kanyang nakita dahil kanin lamang ang kinakain ng lalaki at walang ulam. Nilapitan niya ito at tinanong kung gusto pa niya ng makakain at um-oo naman ito dahil nagugutom raw siya at kulang ang kanyang perang pambili ng pagkain.
Kaya naman umorder si Earl ng pagkain para sa lalaki subalit nang bumalik ito ay nakita niya na mayroon na siyang kinakain na chicken fillet. Binigyan pala siya ng isang crew ng nasabing fastfood chain.
Kaya naman ang inorder na pagkain ni Earl para sa kanya ay kanila na lamang pina-take out para may makakain pa ito mamaya.
Photo credits: Earl Archievan Calixtro/ Facebook |
Kwento pa ni Earl na kinausap niya raw ito sandali subalit hindi niya ito maintindihan masyado dahil sobrang nanginginig ang lalaki. Maaaring dala na rin siguro ito ng pagkagutom at nahihirapan rin daw itong magsalita.
Ang nalaman lamang niyan impormasyon ay taga Tacloban raw ito at pumunta lamang siya sa Pampanga upang maghanap ng trabaho. Ngunit sa kasamaang palad ay inabutan na siya ng lockdown doon.
Photo credits: Earl Archievan Calixtro/ Facebook |
Nagbigay naman ng panawagan si Earl sa mga netizens na baka sakaling mayroong nakakakilala sa lalaki at sa mga nais na tumulong rito. Hiling niya na sana raw ay makauwi na ito sa kanila.
Aniya,
"Kahit ano man pong pagsubok ang pinag dadaan nating lahat ngayon. Nakaka angat ka man sa buhay or simpleng mamamayan ka lang. Gawin mong tumulong sa kapwa mo lalo na dun sa mga nangangailangan talaga. Promise ang sarap sa pakiramdam."
0 comments: