Matandang Lalaki Pilit Na Pinapababa Sa Jeep Dahil Sa Amoy Nito, Mga Ibang Pasahero Nagulat Ng Maglaman Ang Kwento Nito
Photo credit: Peng Contreras Carpo/ Facebook |
Isa sa mga hindi magandang gawain ay ang manghusga ng iyong kapwa. Minsan, nakatingin lamang kasi tayo sa pisikal na anyo at hindi natin inaalam ang tunay na dahilan.
Ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang Peng Contreras Carpo ang isang matandang lalaki na kanyang nakasabay sa kanyang sinasakyan na jeep.
Kwento niya, sumakay raw siya ng jeep pa-byaheng CPU at nagtaka ito kung bakit halos ng mga kasabayan niyang pasahero ay nakatakip ng ilong. Habang sila ay bumi-byahe ay unti-unti na rin daw siyang nakaamoy ng hindi maganda. At doon niya napagtanto na sa matandang lalaking pasahero nanggagaling ang di kaaya-ayang amoy.
Noong makarating raw sila sa Atrium/ Casa Plaza ay biglang huminto ang jeep at bumaba ang drayber nito. Pilit na pinapababa ang matanda dahil sa di kagandahang amoy nito at marami na ring ibang pasahero ang nagrereklamo.
Photo credit: Peng Contreras Carpo/ Facebook |
Simula raw kasi sa pagsakay ni Peng ay napansin niyang kinukutya at nilalait na ng pabulong ang matanda.
Halos mangiyak-ngiyak na raw ito noong pilit siyang pinapababa ng drayber kaya naman doon na raw umalma si Peng at sinabi niyang siya na lamang ang magbabayad sa pamasahe ng matanda upang huwag na itong pilit pababain.
Tinanong niya ang matanda kung saan siya papunta at sinagot ito ng:
"Pasensya na kayo mga anak kung hindi maganda ang amoy ko, halos mag iisang linggo na kasi akong hindi naliligo, namamalimos kasi ako dito sa Iloilo para mabilhan ko ng pagkain ang aking mga apo at anak, at mabilhan ko rin ng gamot yung asawa kong maysakit.
Dagdag ni Peng na hirap na rin daw sa pagsasalita at paglalakad ang matanda dahil na-istroke daw ito noon.
Photo credit: Peng Contreras Carpo/ Facebook |
Pinakita ng matanda ang laman ng kanyang dalang sako bag. Puno ito ng pagkain, karamihan ay tinapay, pandesal at ensaymada, konting mga damit, yung iba ay binili raw mula sa kita niya sa pamamalimos habang yung ibang mga pagkain na masasarap ay binigay raw ng mga taong naaawa sa kanya.
Tiniis raw talaga niya itong hindi kainin para ibigay sa kanyang mga apo.
Nang marinig ng ibang mga pasahero ang dahilan ng matanda ay tila nilamon sila ng kanilang hiya dahil sa kanilang panghuhusga at pangungutya. Aniya, noong marinig niya ang kwento ng matanda ay parang dinurog ang kanyang puso sa awa.
Napagalaman din niya na Bert daw ang pangalan nito at taga Guimaras siya. Pumunta raw ito sa Iloilo upang mamalimos dahil kahit gustuhin man niyang maghanap ng maayos na trabaho ay wala raw tumatanggap sa kanya dahil sa kanyang edad. Kung kaya't napagpasyahan na lamang nitong mamalimos para matustusan ang pangangailangang gamot ng kanyang asawa.
Payo ni Peng sa kanyang kapwa,
"Wag po sana tayong manghusga sa kung anu lang ang nakikita ng ating mga mata dahil hindi natin alam kung anu ang dahilan at bakit sinapit nila ang ganung mga sitwasyon.
0 comments: