Thursday, 18 March 2021

Service Crew, Mangiyak-Ngiyak Matapos Sigawan Ng Customer Sa Isang Jollibee Drive Thru

 

Photo credits: Zari Frillez/ Facebook

"The customer is always right," ika nga. Subalit hindi ibig sabihin na dahil ang customer ang palaging dapat masunod ay may karapatan na itong tapakan ang ibang tao lalo na ang mga service crew.

Bilang mga customer, wala taong karapatan para ipahiya, mura-murahin at bastusin ang mga taong naghahatid ng serbisyo.

Isang service crew ng Jollibee ang nakita ng isang netizen na halos mangiyak-ngiyak matapos itong sigaw-sigawan ng isa pang customer sa drive thru ng nasabing fastfood chain.

Ibinahagi ng netizen na si Zari Frillez sa isang Facebook post ang nasaksihan niyang pangyayari habang sila ay nakapila sa drive thru ng Jollibee. 

Photo credits: Zari Frillez/ Facebook


Aniya sa kanyang post,

"Shoutout sa customer sa drive thru ng Jollibee Kumintang (Batangas) na may plate number na *** 744 di lang namen nakuha yung letter sa plate number pero may CCTV naman yung drive thru ng Jollibee, na sinigaw-sigawan si ateng naka duty sa drive thru na walang nagawa kundi mapaiyak at magsumbong samen. Di niyo alam kung gaanong pagod ang ginagawa ng mga taong to sa ganitong oras at panahon para makapag trabaho ng maayos tas babastusin at mumurahin niyo lang. Sana malaman yung buong plate number niyo at matauhan kayo ng mahulasan kayo sa ginawa niyo."

Dagdag pa ni Frillez na may kasama pa naman daw na babae ang driver ng sasakyang nagsisigaw sa service crew at hindi man lamang ito pinigilan. Labis na nahabag raw si Frillez sa kawawang crew.

Hindi naibahagi ni Frillez ang tiyak na dahilan kung bakit nasigawan ng customer ang crew subalit maraming netizens ang sang-ayon na walang karapatan ang customer na sigaw-sigawan ang crew kahit na pa nagkamali ito sa kanyang pagkuha ng order.

Photo credits: Zari Frillez/ Facebook


Samantala, isang netizen ang nagpakilala na kaibigan niya raw ang nasigawan ng crew ng Jollibee at sinabi na mga walang modo ang mga namahiya sa kanyang kaibigan.

Napag-alaman na working student ang babae at sinisikap niyang makapagtrabaho ng maayos para matustusan ang kanyang sarili at makapag-aral. Halos magkasakit na nga raw ito sa pagtatrabaho dahil ang kanyang shift ay madaling araw.

Photo credits: Zari Frillez/ Facebook


Magsilbi sana itong aral sa lahat. Kahit na pa customer ka at mas nakakaangat ka, wala ka pa ring karapatang maliitin at bastusin ang ibang tao. Kung may pagkakamali man sila, dapat idaan na lamang sa maayos na usapan at hindi na kailangang umabot pa sa pamamahiya at pagsigaw.


0 comments: