Dating Panadero Nagsumikap Para Makapagtapos Ng Pag-aaral Ng Medisina, Ngayon Ay Isa Ng Ganap Na Doktor
Photo credits: Philippine Star/ Facebook |
Wala nga talagang imposible basta't ikaw ay masipag at matiyaga. Katulad na lamang ng isang doktor na ito na bago pa man niya naabot ang kanyang propesyon ay matinding sakripisyo muna ang kanyang pinagdaanan sa buhay.
Bahagi ng Facebook page na Philippine Star sa isang post ay ang 37 taong gulang na doktor na ito na kakapasa lamang sa Physician Licensure Examination.
Ibinahagi ng dating working student na si Rommel Abellar Amos na taga Eastern Samar ang kanyang pagsisikap para makapagtapos sa kanyang pag-aaral at ang kanyang pag-iipon na umabot ng dalawang taon upang mapagpursigihan ang kanyang pangarap na maging isang doktor.
Photo credits: Philippine Star/ Facebook |
Kwento niya na kakaunti lamang raw kasi ang mga medical doctors sa kanilang probinsya lalo na't sila ay nasa remote area kung kaya't ito ang naghikayat sa kanya na mag-aral siya ng medisina.
Ngunit bago man ito, nagtrabaho muna siya bilang isang boy sa isang water refilling station noong taong 2005. Naranasan rin niyang makapagtrabaho bilang isang merchandiser, marketing assistant at sales clerk.
Taong 2017 nang makapagtrabaho siya bilang assistant baker sa isang bakery na pagmamay-ari ng isang babaeng nagngangalang Veronica Afable, na siya ring tumulong sa kanya sa kanyang pinansiyal na pangangailangan sa medical school.
Photo credits: Philippine Star/ Facebook |
Aniya, "Before taking med studies, another two years nagtrabaho po ako sa bakery para makapag-ipon. During my med school, every summer break, Christmas break, and sem break nakakapag-trabaho po ako sa bakery pa rin. Mura po ang tuition namin sa Cagayan State University kaya kinaya."
Nakapagtapos si Rommel sa kanyang kursong medisina taong 2019 sa Cagayan State University sa Tuguegarao City at sumabak sa Physician Licensure Exam noong Marso 2021.
Saad niya,
"Masaya po at minsan naiiyak dahil sa sacrifices na pinagdaanan ko. Narealize ko na wala palang imposible pag may tiyaga at masipag. Message ko sa young generation ay maging priority nila ang education. Yun na rin talaga ang magdadala sa kanila. Maging madiskarte in case may financial crisis."
Photo credits: Philippine Star/ Facebook |
Dagdag pa niya, "Sa mga working students ngayon, may katapusan ang sacrifices, focus sa goal. It will pay off in the end."
Totoo nga talaga ang kasabihan na, "Hard work pays off!", ika nga.
0 comments: