Tuesday, 16 March 2021

Higanteng Iphone, Pinagkaguluhan Ng Mga Netizens Sa Social Media

Photo credits: Philippine Star/Facebook

 

May mga taong sadyang mahilig sa mga gadgets. Lalo na kapag mayroong bagong labas na bagong model ay gusto nilang lagi silang updated sa kung ano ang "in" ngayon.

Kung ikaw ay isa sa mga Apple iPhone lovers, tiyak na magugustuhan mo rin ito.

Sa isang post ng Facebook page na Philippine Star ay ibinahagi ng isang netizen ang ipinagmamalaki niya ang kanyang bagong biling iPhone na pagkalaki-laki.

Ayon sa uploader na si Ryan Ballesteros na taga Quirino Province, ang kanya raw boss na si Grazel Jean Respicio ang umorder ng higanteng Iphone na ito sa isang online selling app. Ibinahagi niya ang larawan sa kanyang social media account at agad naman itong nagviral.

Photo credits: Philippine Star/Facebook


Namangha ang mga netizens dito at hindi nila alam na ang higanteng gadget na ito ay isa palang mesa.

Ani Ryan,

"Bale mesa lang po 'yan. Nagulat din kami kasi andaming nag-share kasi parang totoo po kasi talaga."

Paliwanag ni Ryan na alam ng kanyang boss na ito ay talagang mesa lamang na hugis iPhone at hindi mali ang kanyang nabili. 

Ngayon ang giant iPhone na mesa ay inilagay sa kwarto ng walong taong gulang na anak ng kanyang boss.

Photo credits: Philippine Star/Facebook


Maraming netizens naman ang naaliw at nais rin daw nilang bumili ng ganito. Akala pa ng isang netizen na isa raw itong LED TV dahil sa parang screen nito. Pabirong komento naman ng isa, "Lakas maka-hampas lupa."

Isang netizen naman ang nagbahagi ng larawan ng naglalakihang mga earpods at sinabi na ito raw ang katerno ng higanteng iPhone na mesa. 

Photo credits: Philippine Star/Facebook


Narito ang ilan pang komento ng mga netizens.

"Gusto ko po sana makita yung charger. HAHAHAHAHA"

"Maxxxx na talaga to."

"Pag walang power bahay, buksan flash light nyan, tiyak buong bahay maliwanag."

"Walang sinabi ang pro max sa SUPER DUPER IPHONE EXTRA MAX."

Napaka-creative na talaga ng mga tao ngayon, napaka-cute nga namang tignan kung ang lamesa mo ay hugis na parang cellphone. 


0 comments: