Netizens, Kinaawaan Ang Isang Ama Na Naglalakad Upang Makahanap Ng Trabaho Dahil Napalayas Sila Sa Inuupahang Apartment
Photo credits: GMA Public Affairs/ Facebook |
Napakahirap mawalan ng trabaho. Lalo na kung ikaw lang ang inaasahan ng iyong pamilya. Dahil sa epekto ng pandemya, maraming manggagawa ang nawalan ng kanilang mga trabaho dahil sa pagsasara ng maraming kumpanya.
At dahil bumagsak ang ating ekonomiya, pahirapan na rin ngayon ang makapasok at makahanap ng matinong trabaho.
Itinampok sa Facebook page ng GMA Public Affairs ang isang 35 taong gulang na ama na si Ronel Cimafranca. Maraming netizens kasi ang naaawa sa kalagayan ng lalaki dahil sa dibdibang paghahanap niya ng trabaho lalo na ngayon na napalayas ang kanyang pamilya.
Photo credits: GMA Public Affairs/ Facebook |
Ayon sa ulat, bitbit ni Ronel ang kanyang resume habang binabaybay ang kahabaan ng Commonwealth Avenue sa pag-asang makakahanap siya ng mapapasukang trabaho. Nagsara raw kasi ang kanyang pinapasukang construction company kung kaya'y nagbabakasakali siyang maka-extra sa mga madadaanang construction sites.
Dahil sa kawalan ng trabaho, napaalis ang pamilya ni Ronel sa kanilang tinutuluyang apartment. Ang asawa raw nito at kanyang dalawang anak ay pansamantalang nakikituloy muna ngayon sa biyenan niya.
Nang magtrending ang kanyang kwento ay maraming netizens ang nakisimpatya at naka-relate sa kanyang kalagayan ngayon. Isa sa mga problemang hinaharap ng maraming Pilipino ay ang kawalan ng kabuhayan lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Photo credits: GMA Public Affairs/ Facebook |
Payo ng ilang mga netizens na tiyaga lang sa paghahanap. Hinangaan rin ang pagsisikap ni Ronel dahil kahit hirap ang kanyang pinagdadaanan ngayon ay marangal na trabaho pa rin ang kanyang hinahanap.
Samantala, may mga netizens rin na nagpaabot ng kanilang munting tulong. Narito ang ilan sa kanilang mga komento.
Photo credits: GMA Public Affairs/ Facebook |
"Mas maganda sana talaga ang ibigay na tulong sa tao ay trabaho hindi cash kaya dapat palakasin ang ekonomiya. Sana matapos na ang pandemic at balik na normal ang lahat."- Flor Alfanta Bana-ay
"Bilib ako sayo brother laban lang po tayu sa hamon ng buhay makakabangon din tayung lahat."-Issai Ko
"Actually, even without the pandemic madami talagang walang trabaho, main reason is the super duper to the highest standard of employer and company, madami pwede pasukan sa totoo lang kaso nga pahirapan sa credentials."-Liezl Yamson
"Mahirap po talaga buhay ngayon pero laban lang tayo."-Raffy Sagala
0 comments: