Isang Nanay Hinayaan Ng Isang Sikat Na Gadget Store Na Makigamit Ng Laptop At Internet Upang Makausap Ang Kanyang Mga Anak
Photo credits: Walter So/ Facebook |
Sa panahon ngayon, napakahalaga na mayroon kang cellphone o laptop at internet upang maka-connect ka sa iyong pamilya. Dahil sa tulong ng teknolohiya ay mas napapadali nito ang pakikipag-komunikasyon sa iyong mga kapamilya, kamag-anak at mga kaibigan na nasa malalayong lugar.
Subalit ang mga gadgets na ito ay may kamahalan rin kaya naman hindi lahat ng tao ay nakakabili nito.
Isang post ang naibahagi ng netizen na si Walter So na kung saan nakita niya ang isang nanay na nakikigamit ng laptop at libreng internet sa isang sikat na gadget store.
Photo credits: Walter So/ Facebook |
Aniya,
"I couldn't resist no taking a photo...
The personnel call her "nanay" (mother). She can't afford a gadget to be able to connect with her family and so she frequents the store, so that she can use the demo MacBook and free internet and chat with her family and check Facebook. I'm not sure why her kids would not buy her any gadget, buy knowing the motherly value of selflessness, I'm sure she is telling her kids she has all that she needs."
Mabuti na lamang at mababait ang mga personnel ng nasabing store at hinahayaan nila ang babae na makigamit ng kanilang demo unit upang makausap nito ang kanyang pamilya. Tinuruan pa raw nila itong gumamit ng MacBook.
Photo credits: Walter So/ Facebook |
Dagdag ni So, ay napahanga siya sa pagiging 'charitable' ng mga empleyado doon. Malaki raw kasi ang naging epekto ng pandemya sa ating buhay at mabuti na lamang na mayroon tayong teknolohiya na nakakatulong upang tayo ay maging 'virtually in touch' sa ating mga kapamilya.
Nagbigay ulit ng update si So at masaya niyang ibinahagi na si Nanay ay binigyan ng libreng bagong MacBook ng isang 'anonymous' donor.
Photo credits: Walter So/ Facebook |
Aniya,
"In coordination with Powermac Greenbelt and anonymous donor, MacBook (pink) has been received by nanay!"
Napakabuti naman ng nagbigay kay nanay! Hindi na niya kakailanganin pang pumunta palagi sa gadget store upang makigamit lang kanilang demo unit dahil mayroon na siyang sariling laptop.
0 comments: