Bagong Kasal, Sinabitan Ng Kapa Na Gawa Sa Pera Na Nagkakahalagang Php100k, Sana All!
Photo credit: She Wrapped/ Facebook |
Nakaugalian na ng mga Pinoy na sa tuwing may ikakasal ay isinasagawa nila ang 'prosperity dance' o mas kilala bilang 'money dance.'
Ang bagong kasal ay sasayaw at ang kanilang mga bisita ay magsasabit ng pera sa damit ng bride at groom. Ang tradisyong ito ay sinisimbulo na hinihiling ng mga dumalo sa kasal na magkaroon ng masaganang buhay ang bagong kasal.
Ang perang nalikom ng bride at groom sa kanilang money dance ay makakatulong na rin bilang panimula sa bagong buhay nila bilang mag-asawa.
Katulad na lamang ng nagviral na post na ito ng bagong mag-asawa na si Myko at Em Garcia.
Photo credit: She Wrapped/ Facebook |
Sa post at mga larawang naibahagi ng She Wrapped na page sa Facebook ay sinabing sinabitan ang bagong kasal ng kapang gawa sa pera na nagkakahalaga ng Php100,000!
"PANTOMINA MONEY CAPE WORTH 100K!
Thank you so much to the mothers of the Bride and Groom, Ma'am Tess Dizon and Ma'am Blurks Tolosa-Garcia
Congratulations to the newly wedded couple, Mrs. Em Dizon Garcia and Mr. Myko Garcia."
Wika ng mga netizens, "sana all." Dahil napakabongga naman ng perang iniregalo ng mga magulang nila sa bagong kasal.
Pabirong caption naman ng isang netizen na hahanapin niya raw ang babaeng nagsasabit ng kapang gawa sa pera sa bride at sabing,
"Hahanapin kita my future ninang. Or pag nakita mo po to ninang chat mo po ako. (Mano)"
Photo credit: She Wrapped/ Facebook |
Saad naman ng isang netizen,
"Sa batangas karamihan ganito kaya dun kayo hanap ng mapangasawa at maging ninang at ninong niyo."
Photo credit: She Wrapped/ Facebook |
Hiling naman ng isa na sana raw sa kaniyang kasal ay ganito kabongga at kagalante ang kanilang makukuhang ninong at ninang.
Bakas naman sa mga mukha ng bagong kasal ang saya at tuwa habang sinasabitan sila ng money cape. Sino ba naman ang hindi pa matutuwa kung bibigyan ka ng ganito kalaking halaga ng pera diba?
0 comments: