Netizen, Nanawagan Para Matulungan Ang Isang Nakakaawang Lolo Na Pinabayaan Ng Kaniyang Pamilya
Photo credit: Jenie A. Omandac/ Facebook |
Talagang napakasakit isipin na mayroong mga anak at pamilyang pinapabayaan na lamang nila ang kanilang mga magulang na mayroon ng edad.
Imbes na alagaan at ipakita nila ang kanilang pag-aaruga sa kanilang mga magulang na dati'y nagpalaki at nag-alaga sa kanila ay hinahayaan lamang nila itong maghirap at walang makasama.
Isang concerned netizen ang nanawagan sa publiko dahil nais niyang matulungan ang kaawa-awang sitwasyon ng kanilang matandang kapitbahay na nakilala bilang si Lolo Carlito Dela Cruz.
Photo credit: Jenie A. Omandac/ Facebook |
Kwento ni Jenie A. Omandac sa kanyang Facebook post ay naaawa raw siya sa lolo na nakatira malapit sa kanilang bahay. Wala na raw nag-aaruga sa matanda at pinabayaan na raw ito ng kaniyang pamilya.
Nakatira raw ito sa puder ng kanyang pamangkin subalit pinapabayaan naman ito at minsan ay minumura pa at sinasabihan ng masasakit na salita. Ang bahay na tinitirhan ng matanda ay mga sako at telang pinagtagpi-tagpi lamang na may maliit na poste na parang kulungan ng aso.
Noong malakas pa raw si Lolo ay namamalimos ito at ang kanyang mga napapalimos ay ibinibigay niya sa kanyang pamangkin upang may makain sila.
Photo credit: Jenie A. Omandac/ Facebook |
Ngayon na nagkaedad na siya ay pinabayaan na lamang at hinayaan na lamang na magkanda gulong-gulong sa putikan.
Ani Omandac,
"Ganyan na ba kayo kapabaya sa magulang? Nung bata pa kayo halos magkanda-ugod mga magulang natin mapalaki lang tayo ng maayos. Nung sila naman na ang tumanda ni hindi niyo na kilala. Kayo pa galit kapag sinisita namin kayo dahil sa kapabayaan niyo. Halos daan daanan niyo na lang siya."
Dagdag nito na nais lang naman raw ng matanda na maalagaan siya ng maayos habang buhay pa ito at makaranas kahit konti kaginhawaan.
Photo credit: Jenie A. Omandac/ Facebook |
Sobrang nakakalungkot, wika ni Omandac. Kung kaya't nanawagan siya sa mga netizens na kung may nais mag-abot ng tulong sa matanda ay puntahan ito sa Bukal St. Brgy. Del Remedio Cardona Rizal upang makita ang kaniyang kalagayan.
Samantala, nakaabot rin ang panawagan ni Omandac sa programa ni Raffy Tulfo in Action at nagbigay ng update si Omandac na tinulungan na raw ng programa si Lolo Carlito at mapupunta na ito sa magandang lugar.
0 comments: