Babae Na Nagorder Ng Cellphone Online, Imbes Na Apple Iphone 12 Ang Nakuha Ay Apple Juice Drink
Napaka-convenient na bumili na lamang sa online. Lahat kasi ay makikita at mabibili mo na rito at hindi mo na kailangan pang lumabas ng bahay at pumunta pa sa mall.
Subalit isa sa mga disadvantage ng pagbili sa online ay minsan ay hindi na nakakarating sa maayos na kondisyon ang iyong parcel dahil na rin sa marami na itong pinagdaanan bago ito makarating sayo. At ang pinaka-nakakadismaya pa ay kung ang iyong inorder ay hindi iyon ang nakarating sayo.
Katulad na lamang ng isang babaeng ito na nakilala bilang si Liu na taga China.
Sa isang site online ay nag-order siya ng bagong cellphone na Apple Iphone 12 Pro Max. Nagbayad siya ng $1,500 o higit kumulang sa Php 72,000 para sa kanyang bagong cellphone. Subalit namang makarating sa kanya ang package ay laking gulat na lamang niya dahil ang laman ng kahon ay isang apple juice drink.
Ang mga insidenteng ito ay hindi na bago kapag umoorder sa online lalo na kapag dumadaan ito sa mga third-party sellers. Ngunit ang sinasabi naman niya ay bumili siya mismo sa official website ng Apple.
Ayon sa mga ulat, hindi raw direktang dineliver ito sa kanya sa halip ay dineliver raw ito sa storage unit. Sa ngayon ay hindi pa nila alam kung paano napalitan ang kanyang cellphone sa isang juice drink.
Samantala, ayon sa mga ispekulasyon ng mga netizens ay baka ang taong nagdeliver sa kanya ng parcel ang siyang may kagagawan ng pagpapalit ng item. At ang ilan naman ay baka raw sa pekeng website nabili ni Liu ang Iphone na kanya nang nabayaran.
Sa ngayon ay iniimbestigahan pa nila ang nangyaring insidente.
Kaya sa mga mahilig bumili ng mga mamahaling gadgets sa online ay mag-ingat at huwag basta padadala sa mga murang mga binebeta. Mas mainam pa rin na kung bibili ng mga mamahaling bagay na ito ay mismong sa physical store o sa mga mall na lamang pumunta upang makatitiyak na tama ang iyong item na binibili.
0 comments: