Thursday, 11 March 2021

Nag-ambagan ang mga Batang ito Para Surpresahin ang Kanilang Kaibigan na Walang Panghanda sa Kaniyang Birthday


Ang mga bata nga naman ang mayroong purest hearts sa buong mundo dahil madalas mas alam nila ang tama at mali kaysa sa mga matatanda. Sa katunayan, kung minsan ay sila pa ang mas may isip at malasakit sa kanilang kapwa.


Katulad na lamang ng mga batang magkakaibigan na ito na nagbigay ng isang surpresa para sa kanilang isang kaibigan para sa kaniyang kaarawan.



Sa isang viral post ng batang si Drayco Linnus Sudaria ng Malaybalay City, Bukidnon makikita ang mga larawan ng supresang birthday party na kanilang pinaghandaan para sa kanilang kaibigan na si Biboy.


Ayon sa mga bata, napag-alaman raw kasi nila na malapit na ang araw ng birthday ni Biboy kung saan alam din nila na wala itong perang panghanda sapagkat mahirap ang buhay. Kaya naman para mapasaya ang kanilang kaibigan ay napagdesisyunan nila ng iba niyang kalaro na maghanda ng isang surpresa.


Tulong tulong silang nag-ambagan upang makabili ng handa para kay Biboy at sila rin mismo ang nag prepare ng kanilang masayang birthday celebration.



"Kasi po, wala po silang hand sa birthday niya. Kaya nag-ambagan po kami ng kaibigan ko at pinsan ko para ibili siya ng tinapay at cupcake. Nakita namin na masaya talaga siya at na-surprise talaga siya," pagkukwento ng bata.



Simple lamang ang kanilang handa pero tumatak sa isipan ni Biboy ang thoughtful gift na ito kaya naman labis labis ang kaniyang kasiyahan. Pancit canton, cupcake, tinapay, chichirya at juice lamang ang kanilang kinaya na paghandaan pero makikita mo na enjoy na enjoy sila sa simpleng salu-salong ito.



Dahil naantig ang puso ng mga netizens sa viral post na ito, marami ang natuwa sa ginawa nilang maganda kaya naman ang ilang netizens ay nagbigay mismo ng cake at ice cream para kay Biboy bilang surpresa.



Sinong mag-aakala na ang mga batang ito ay nakakaisip ng ganitong klase ng kabutihan sa kanilang kapwa. Hindi man sila lahat ipinanganak na marangya ang buhay, natuto pa rin silang magbigay sa kanilang kapwa kahit sa simpleng bagay lamang.

Very good boys!


0 comments: