Thursday, 11 March 2021

Netizen Nag-viral Matapos Ipamalas Ang Kanyang Kabaitan At Pasensya Sa Isang Delivery Rider Na Pumalpak Ang Serbisyo

 

Photo from: Google, Philippine Star/Facebook

Minsan di talaga maiiwasan ng mga delivery drivers na maihatid sa hindi magandang kondisyon ang kanilang mga parcels. Kagaya na lamang kapag sila ay naipit sa traffic, naabutan ng ulan, etc. Kung kaya't madalas sila ang nasisisi at napapagalitan ng kanilang mga customers.

Subalit dapat sana ay maintidihan rin ng mga customers ang mga delivery riders na ito dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay ginusto nilang maihatid sa hindi magandang kondisyon ang kanilang mga deliveries.

Isang netizen na taga Davao ang nag-viral sa Facebook dahil sa kanyang ipinamalas na kabaitan at pasensya sa isang rider na nagdeliver ng kanyang pagkain na basang basa sa ulan.

Photo from: Philippine Star/Facebook


Ang netizen na si Chay Ney ay nagorder ng pizza sa food app na GrabFood. Ilang oras ang lumipas bago dumating ang kanyang order. At noong dumating na ito sa kanilang bahay sa Matina, ang kanyang order na pizza ay malamig na.

Ngunit bago pa siya lamunin ng kanyang emosyon ay tinanong niya ang rider kung ano ang nangyari.

Wala raw itong imik at tila ba alam na nitong mapapagalitan siya ng kanyang customer dahil sa naging palpak niyang serbisyo.

Aniya,

"I think nag-expect na talaga siya na mapagalitan and she was not defensive too. Nakayuko lang siya like she was expecting for the worst."

Photo from: Philippine Star/Facebook

Napag-alaman niya na ang Grab rider ay inabutan ng ulan sa daan sa kanyang 7 kilometrong biyahe patungo sa bahay nila Chan.

Hindi man umulan sa location nila Chan ay nakita naman niyang basang basa ang motorsiklo nito kung kaya't naniniwala siya na hindi intensyon ng rider na makarating ito ng late at madeliver ang order na pizza na basa at malamig na.

"I shared my experience because I knew that if it came out another way -- if I was complaining and complaining lang -- I would have regretted it deeply if inuna ko ang complain over compassion.

Pinaalalahanan niya ang lahat na ang mga delivery riders daw ay deserve nila ang 'maximum tolerance' ng kanilang mga customers at dapat ay maging maintindihin rin ang mga customers at huwag agad agad magagalit ng hindi nalalaman ang totoong dahilan.



0 comments: