Tuesday, 23 February 2021

Anak Ng Jeepney Driver At Tindera, Ibinahagi Kung Paano Umunlad Ang Buhay At Naging Milyonaryo Sa Edad Na 24 Gulang


  Lahat tayo ay naghahangad na magkaroon ng magandang kinabukasan. Sino ba naman ang hindi naghangad na yumaman at mabili ang lahat ng gusto? 

Ibinahagi ng netizen na si Akio Kashiwagi ang kanyang naging daan patungo sa kanilang pag-unlad at pag-angat sa buhay. Aniya, hindi naman raw siya galing sa isang mayaman na pamilya.

Ang kanyang ama ay isang jeepney driver samantalang ang kanyang ina ay nagtitinda ng kung anu-anong mga bagay tulad ng chocolate, siopao, Avon, MSE, at Dakki. Aniya na noong bata siya ay wala siyang pangarap dahil hindi naman siya magaling.


Sa katunayan ay tinawag niya ang kanyang sarili na 'iskul bukol' dahil madalas raw ipatawag sa eskwelahan ang kanyang ina dahil imbes na lecture ang kanyang nasa notebook ay puro mga drawing. At inaabot pa sila ng kanyang kuya ng hating gabi kakalaro ng computer.

Labing siyam na gulang siya ng nagmistulang magtanong tanong siya buhay. Aniya, gusto raw talaga niyang yumaman subalit hindi niya alam kung paano. Ang una raw na tanong niya sa kanyang sarili, "Ano bang pinagkaiba namin ni Henry Sy? Si Henry Sy yung may ari ng SM? Nanggaling din naman sa wala yun eh, kung nagawa niya yun. May pagasa din akong magawa yun! kaso... paano?"

Dito siya nagsimulang magbasa-basa ng mga istorya ng mga successful na tao. Kung ano ba ang mga ginagawa nila na dapat rin daw niyang gawin.

Nang makaipon siya ng kaunti sa mga freelance niyang trabaho noon ay sinimulan niyang mag-invest sa stock market. Nagbasa siya ng mga libro at articles kung paano siya matututong mag-trade.



Hanggang sa nakahanap siya ng magtuturo sa kanya. 23 taong gulang siya ng makahawak siya 7 digit na fund hanggang sa napalaki niya ang fund na iyon at doon niya unang nahawakan ang kanyang unang milyones!

Nagkataon raw na gusto raw niya ang pagtrade ng stocks at naeenjoy niya ito kung kaya't ito ang kanyang pinagtuunan ng pansin.

Ngayong siya na ay 25 taong gulang ay masasabi niyang isa na siyang milyonaryo.

Aniya.

"Mga kaibigan,

magfocus tayo sa pangarap na gusto natin marating.

Magkakatotoo yun,

Magtiwala ka sa sarili mo.

Huwag ka makinig sa mga tao na magsasabi sayo ng negatibo.

Kapag may tiyaga, may nilaga.

Matatalo mo yung taong matalino, kung magsisikap ka."


0 comments: