Monday, 22 February 2021

Masipag Na Lolo Na Nagtitinda Ng Candy, Nagpaantig Ng Puso Sa Mga Netizens

 

Photo credit: Kym Manalaysay

Talagang kahanga-hanga at nakaantig ng puso tuwing mayroong kang makikitang isang matanda na patuloy pa rin ang pagsisikap na makapagtrabaho sa kabila ng kanilang edad. 

Ang karamihan kasi sa dahilan nila kung bakit pa rin nila ito ginagawa ay dahil ayaw nilang maging pasanin sa kanilang pamilya.

Katulad na lamang ng isang lolong nagtitinda ng kendi na naibahagi ng netizen na si Kym Manalaysay.

Ayon sa kanyang post ay hinihimok niya ang mga netizens na kung sino man raw ang madadaanan ang matanda ay sana ay bumili sila rito bilang tulong na rin sa lolo.

Photo credit: Kym Manalaysay


Aniya,

"Guys! Please buy kay tatay kapag nagawi kayong Tayuman nandyan siya lagi sa harap ng Kings lalo na weekends at hapon."

Nagbebenta diumano ang matanda ng mga kendi na siya mismo raw ang may gawa. Ang kada isang supot raw ng kendi na may apat na piraso ay nagkakahalagang bente pesos lamang.

Dagdag ni Kym na ilang oras na raw nakatayo ang matanda doon sa lugar na kanyang pinagbebentahan subalit walang pumapansin sa kanya para bumili.

Photo credit: Kym Manalaysay


"Ilang hours na dyan hawak yung supot dinadaanan lang siya at ang dami pa rin niyang candy. For 20 pesos 4 pcs na candy, siya mismo may gawa. 

Please buy kayo, kapag nadaan kayo malaking tulong yung 20 pesos na kay tatay para sa pang araw araw na need niya di natin need maging mayaman to help."

Isang komento naman ng isang netizen na kapitbahay raw ng matanda ang nagpatunay na likas raw talaga itong masipag at nakilala bilang si Lolo Jacinto. Ayaw raw kasi niyang maging pabigat sa kanyang mga anak kung kaya't nagtitinda pa rin siya.

Photo credit: Kym Manalaysay

Isa pang dahilan kung bakit ay para raw may maipambili siya ng gamot niya na pang-maintenance dahil siya ay isang diabetic.

Suhestiyon ni Kym, kung may nais tumulong at bumili sa matanda ay maaaring isend sa kanya ng kanyang mga kaibigan ang pera gamit ang Gcash app at siya na mismo ang bibili ng mga paninda nito. At pwede rin niyang ibigay sa mga street children ang mga kending kanyang napamili.


0 comments: