Magulang Inipon Ang Mga Perang Bigay Sa Kanilang Anak, 3 Taong Gulang Pa Lamang Ay Mayroon Na Siyang Php77,000
Photo credit: Jarlo Manalad/Facebook |
Bilang isang magulang, iniipon mo rin ba ang mga perang natatanggap ng iyong anak tuwing kanyang kaarawaan at tuwing Pasko? Tiyak na magi-guilty ang ilang mga magulang rito dahil minsan ang mga perang natatanggap ng kanilang anak ay napanggagasta nila sa ibang bagay tulad ng mga gastusin sa bahay.
Subalit ibahin natin ang magulang ng tatlong taong batang ito. Ibinahagi ng ama na si Jarlo Manalad ang inspiring story nilang mag-asawa na kung saan inipon nila ang lahat ng perang natatanggap ng kanilang anak. Sino ba namang mag-aakala na sa murang gulang pa lamang ng bata at malamang ay wala pang kamuwang-muwang sa pera ay mayroong ng naitabing ganitong kalaking halaga para sa kanya.
Nagmula ang mga perang kanilang naipon sa mga kamag-anak at mga kaibigan.
Kwento niya,
"Mag 3 years old pa lang yung bata.. May ipon na siyang 77k. Salamat sa lahat ng kamag-anak, ninong, ninang, family, friends na nagmamahal sa bata."
Photo credit: Jarlo Manalad/Facebook |
Dagdag pa niya na ang lahat ng mga ibinigay na pera sa bata mula noong siya ay bininyagan ay para lamang sa kanya. Wala raw silang ibinulsang mag-asawa. Hindi rin daw nila ginamit bilang pantapal ang perang natatanggap ng kanilang anak para sa mga gastusin ng bata katulad na lamang ng ginastos nila noong binyag nito at first birthday niya.
"Hanggang sa huling sentimo sa bata po iyan. At lahat pa ng ibibigay niyo ay idadagdag po diyan."
Nakakainspire ang ginagawa nilang mag-asawa para maisantabi ang pera ng kanilang anak. Hinangaan rin ng mga netizens ang mag-asawa dahil sa pagtatabi nila ng parte ng kanilang sahod para sa kinabukasan ng kanilang anak.
Tiyak na paglaki ng bata ay mayroon na itong panggasta lalo na kapag tumuntong na siya sa kolehiyo.
Payo ni Manalad sa mga kapwa magulang, "Sana gawin din ito ng mga magiging magulang. Lahat ng expenses niya ay dapat nating itaguyod at lahat ng bigay sa bata ay para sa bata."
0 comments: