Saturday, 16 January 2021

Guro, Ibinahagi Ang Kanyang 12 Ipon Tips Kung Paano Siya Nakaipon Ng Higit P100,000 Sa Loob Ng Isang Taon

 

Photo credits: Cathlyn De Leon Mariano/ Facebook

Ang sabi ng mga matatanda, dapat habang bata ka pa ay matuto ka ng mag-ipon para kapag dumating man ang oras na ikaw ay magigipit ay meron kang madudukot. 

Isang napakainspiring post ang ibinahagi ng guro na si Cathlyn De Leon Mariano na kung saan nagbigay siya ng kanyang mga tips kung paano siya nakapag-ipon ng higit Php100,000 sa loob lamang ng isang taon.

Aniya, "Kung gusto mong magtagumpay sa IPON CHALLENGE mo, magagawa mo dahil gusto mo."

Kanyang ibinahagi niya ang kanyang ipon challenge experience na nagawa dahil sa tamang disiplina sa sarili. Narito ang kanyang 12 ipon tips.


Photo credits: Cathlyn De Leon Mariano/ Facebook

Una, ay madasal raw palagi sa Panginoon upang hindi ka niya pababayaan sa mga nais mong makamit sa buhay. Nakatulong rin daw ang pagsali sa mga Facebook groups tulad ng PISO KO IPON KO, Chink+IPONaryo at Peso Sense na kung saan tinuturo sa mga miyembro ang kahalagahan ng pag-iipon.

Pangalawa, ay tandaan daw ang simple saving formula na ito. Income - Savings = Expenses. Mahalaga na magtabi na agad ng ipon kapag hawak mo na ang iyong kita. Ang ginagawa niya ay 10% ng kanyang sweldo ay automatic na niya itong itinatabi.

Pangatlo, isaalang-alang ang wants vs. needs. Alamin ang mga bagay na mas kailangan mo at ito ang mas dapat mong inuuna. Isantabi ang mga bagay na hindi naman kailangan o mas kilala sa tinatawag na luho. Dagdag pa niya na dapat ay "Learn to live within your means." Matuto na gumasta lamang sa halaga na iyong makakaya.

Pang-apat, gumamit ng alkansya o bank account. Makakatulong raw kasi ang paggamit ng mga ito upang agad nang naisasantabi ang iyong pera at nasa safe na lugar na ito at hindi mo na basta basta magagastos.

Pang-lima, law of attraction. Maglagay ng label sa iyong alkansya kung para saan mo gagamitin ang perang iyong nahulog rito. Aniya na magset ka raw ng target upang mas ma-motivate ka na mag-ipon. At laging isipin na magtatagumpay ka sa iyong ipon challenge.

Photo credits: Cathlyn De Leon Mariano/ Facebook

Pang-anim, ang pagsusuot ng mga walang brand o mumurahing damit ay hindi ibig sabihin na ikaw ay mahirap, nasa nagdadala lang yan. Wika niya, "Don't sacrifice your finances for the sake of having a good image in social media." Huwag maging maselan. 

Pang-pito, kwento niya na hindi raw sila magastos ng kanyang kasintahan. At kung quality time man ang kanilang hinahanap ay mas pinipili raw nilang magfood trip na lamang sa bahay at manood ng movie. Madalang rin raw silang mamasyal sa mall at hindi sila materialistic.

Pang-walo, tipid living. Dalawang taon na raw siyang nagtuturo sa public at isang taon siyang nagbabaon ng kanyang sariling lunch sa school. Kung ano raw ang kanilang ulam sa bahay ay iyon rin ang kanyang binabaon. Bumili rin siya ng school service na E-bike na kung saan nakakatipid siya sa gas dahil icha-charge lamang niya ito ng walong oras at magagamit na niya ito sa loob ng isa't kalahating linggo. 

Pang-siyam, build your savings slowly. Magsimulang mag-ipon kahit barya barya muna. Hindi basehan kung gaano kaliit o kalaki ang iyong sinusweldo. Tamang disiplina at self-control ang kailangan sa paggasta. Magkaroon rin ng positive at rich mindset. Huwag maging waldas para hindi nga-nga bukas.

Photo credits: Cathlyn De Leon Mariano/ Facebook


Pang-sampu. utang-free. Huwag mangungutang kung ipangbabayad lang sa isa pang utang.

Panglabing-isa, financial management system. Ilista kung saan mapupunta ang iyong kita para sa huli ay hindi magtaka kung saan-saan ba napupunta ang iyong pera. Makakatulong rin ang paggamit ng money organizer o money envelope upang mabudget ng maigi ang iyong pera.

Panglabing-dalawa, investment at extra source of income. Magandang iinvest ang iyong pera at magkaroon ng extra source of income. Dapat raw ay hindi natutulog ang pera, umisip ng iba pang raket na kung saan ka magaling. Lakihan ang iyong ipon at huwag lakihan ang gastos.

Saad ni Mariano na ginawa niya raw tradisyon at habit ang pag-iipon. Kada taon ay ginagawa niya ito at binubuksan ang kanyang pinag-ipunan sa susunod na taon. Nag-iwan siya ng isang nakakainspire na leksyon at sinabi na, "Keep on saving dahil daig ng taong masino ang taong waldas."

0 comments: