Proud Na Anak Ng Brgy. Tanod At Kasambahay, Nakapagtapos Bilang Cum Laude
Photo credit: Philippine Star/ Facebook |
Hindi dapat binabase sa estado ng buhay kapag nais mong makamit ang iyong mga pangarap. Hindi porket ibig sabihin na mahirap ka ay wala ka ng pag-asang magtagumpay. Sa halip ay dapat mo pang pagpursigihan upang unti-unti mong maabot ang iyong mga mithiin sa buhay.
Isang proud na anak ng isang brgy. tanod at kasambahay ang nagbahagi ng kanyang success story kung papaano siya nakapagtapos sa kolehiyo at na bilang isang cum laude pa.
Ang 21 taong gulang na si Jhonrick Art Catindoy Orense ay nakapagtapos ng Bachelor of Arts in Journalism sa International Peace Leadership College sa Tanay, Rizal.
Photo credit: Philippine Star/ Facebook |
Salat man sa buhay ang kanilang pamilya ay pinagpursigihan pa niya ang kanyang pag-aaral at na-maintain niya ang kanyang pagiging iskolar hanggang siya ay makapagtapos. Noong pagkatapos niya sa high school, ang sabi ng kanyang mga magulang ay mag-TESDA na lamang siya at magtrabaho dahil wala raw silang pera.
Ang Technical Education and Skills Development Authority o TESDA ay isang ahensya ng gobyerno na nag-aalok ng iba't ibang mga technical at vocational courses sa mga nais makapag-aral dito.
Subalit para kay Jhonrick, ang nais talaga niya ay magkaroon ng college degree upang sa ganoon ay mas makahanap siya ng mas magandang trabaho para sa kanyang pamilya.
Aniya,
"Gumagawa din po ako ng logo ng mga student organizations, paintings like murals, tapos minsan nagju-judge at nagiging speaker din po ako ng mga workshops (related to art)."
Ang kanyang mga magulang raw ang kanyang nagsilbinng inspirasyon upang makapagtapos siya sa kanyang pag-aaral.
Sinikap raw niya na makapagtapos talaga sa kolehiyo dahil ayaw niyang maulit muli sa kanila ang naranasan nilang walang laman ang kanilang bigasan. Ang kanyang ama raw noon ay ulam at baon sa trabaho ay asin lamang samantalang ang kanyang ina ay kamatis lang at kape.
Aniya,
"This is not to boast my achievements. Rather, I am posting this to inspire and motivate everyone who think they can't. Just like you, I am just an ordinary person but I chose to do things extraordinary."
Proud na proud din niyang ibinahagi ang larawan na kung saan umani siya ng napakaraming medalya.
0 comments: