Friday, 19 February 2021

Concerned Netizen, Nanghingi Ng Tulong Para Sa Kanyang Nakaka-awang Matandang Kapitbahay Na Pinabayaan Na Ng Mga Anak

 

Photo credit: Jenny Rose Leonardo Ventura/ Facebook

Ayon nga sa kasabihan, utang raw ng mga anak ang kanilang buhay sa kanilang mga magulang. Bilang isang magulang, napakasakit lang maranasan na kapag ang mga inaruga at pinalaki mong mga anak ay saka ka na lamang iiwan at papabayaan kapag ikaw ay matanda na. 

Oo nga't may karapatan ang mga anak na magkaroon ng sariling buhay kapag sila ay tumanda na at may mga nakapagsasabi din na hindi raw obligasyon ng mga anak na sustentuhan ang kanilang mga magulang. 

Subalit huwag naman sanang umabot sa punto na kapag nagkaroon na ng sari-sariling buhay o pamilya ang mga anak ay hahayaan na lamang basta basta ang kanilang mga magulang na nag-palaki sa kanila lalo na kapag tumanda na ang mga ito. Katulad na lamang ng isang matandang lalaking ito.

Isang concerned kapitbahay ang nanghingi ng tulong sa social media para sa kanyang matandang kapitbahay na kaawa-awa ang sitwasyon dahil diumano ay iniwan na raw at pinabayaan ng kaniyang mga anak.

Photo credit: Jenny Rose Leonardo Ventura/ Facebook

Ani Jenny Rose Leonardo Ventura sa kanyang post, nanghihingi siya ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo upang matulungan ang kalagayan ng matanda. Wala na raw kasing anak na nag-aasikaso rito at namamalimos na lamang ito kung saan saan.

Ni wala man lang raw nag-aalaga sa matanda at hinayaan na lamang na nakatira sa isang barong barong.

Sa mga larawang naibahagi ay makikita ang kawawang matanda na nakahiga na lamang sa isang sira-sirang papag. At tila mukhang ang kanyang sarili ay hindi na rin niya kayang alagaan. 

Narito ang buong post ni Ventura,

"Hello po Sir #raffytulfoinaction Gusto ko lang po sana matulungan niyo po ang kawawang kalagayan na to. May mga anak po yan hindi inaasikaso ng mga anak, namamalimos lang po sa kung saan saan. Walang nag aalaga po at mapanghe na nakatira lang po sa barong barong, inaabutan lang po ng pagkain. Sana po matulungan niyo sir.

Please share po para maka rating sa kinauukulan.

Ang pangalan po ni tatay ay RENE BANAAG

LOCATION NI TATAY BANTUG BULALO CABANATUAN NUEVA ECIJA."

Photo credit: Jenny Rose Leonardo Ventura/ Facebook


Maging ang mga netizens sa social media ay naawa sa kalagayan ng matanda. Anong bang klaseng mga anak naman daw ang hahayaan na lamang magdusa ang kanilang magulang lalo na't ganito na ang kanyang kalagayan. Narito ang ilang sa mga komento.

"Mga wala kayung kwentang mga anak matapos kayung palakihin pag aralin at pakainin ng inyong magulang tapos pinababayaan niyo na namamalimos at natutulog sa kalye."

"Walang mga utang na loob mga anak na nagawa ng ganito sa magulang nila, walang puso at kaluluwa."

"Pagkatapos ng lahat, ng sakripisyo ng ama, ganyan na lang ang mangyayari pag wala ng silbe."

"Nakakadurog ng puso, sana matulungan na si tatay."


0 comments: