Pedicab Driver, Labis Ang Pasasalamat Ng Makita Ang Naging Doktor Ng Kanyang Anak Kahit Na Pa Ilang Taon Na Ang Nakalipas
Photo credits: Jimmy Dumlao/ Facebook |
Kapag talaga may mabuting nagawa ka sa iyong kapwa o naitulong sa kanila ay tatak at tatak ka sa kanilang isipan kahit na pa ilang taon na ang nakalipas. At talaga namang nakakataba ng puso kapag labis labis ang pasasalamat sa iyo ng iyong tinulungan.
Isang doktor na nagngangalang Jimmy Dumlao ang nagbahagi ng kanyang naging karanasan na nagpaantig sa kanyang puso.
Kwento niya, isang umaga raw habang naglalakad siya sa may Intramuros ay mayroong isang pedicab na huminto sa kanyang harapan. Tinawag siya diumano ng driver at sinabing "Excuse me po, Ser!"
Noong una ay hindi niya raw ito pinansin ngunit nang batiin muli siya ng ng "Good morning, Doc!" ay napukaw ang kanyang atensyon dahil sa kanyang isip ay paano nalaman ng pedicab driver na isa siyang doktor samantalang hindi naman siya nakausot ng kanyang puting uniporme o may dala man lang na stethoscope.
Photo credits: Jimmy Dumlao/ Facebook |
Sumigaw ang driver at tinawag ang kanyang pangalan, "Doc Dumlao!" Lumingon siya at nakita niya ang driver na nakangiti at kumakaway sa kanya. Wika nito sa kanya, "Doc, pasyente niyo po anak ko sa PGH!"
Dahil hindi na raw matandaan ni Jimmy ang naging pasyente niyang ito ay kinumusta na lamang niya ito.
Wika ng driver na noong taong 2010 pa raw sila naging pasyente nito. Sa pagkamangha ni Jimmy ay buti ay natandaan pa siya samantalang baguhan pa lamang din siya noon bilang isang doktor.
Tinanong niya kung kumusta na anak nito na naging pasyente niya at masayang ibinahagi ng driver na nalampasan daw ng kanyang anak ang kanyang kondisyon na TB meningitis at malaki na siya ngayon. Laking pasalamat niya kay Jimmy dahil nakauwi raw sila noon na masaya.
Photo credits: Jimmy Dumlao/ Facebook |
Ani Jimmy,
"It was an extremely inspiring and humbling moment for me. All my "big" worries became insignificant when I stood there in front of a father whose son was in their home, with developmental limitations no thanks to his TB meningitis, but nonetheless this father was expressing his happiness (after 8 years of providing as a pedicab driver. for all this son's special needs) because his son was alive, and was also so excited to send his thanks to his son's former doctor and that young doctor's senior."
Dagdag pa niya na ang mga ganitong mga pagkakataon ay talagang nakakataba ng puso kahit na pa puyat at pagod ang kanilang dinanas noong nagte-training pa lamang sila sa government hospital.
0 comments: