Netizens Kinamanghaan Ang Jeep Na May Customized Na Upuan, Pasado Sa Social Distancing
Photo credit: Miguel Paulo/ Facebook |
Napakalaki ng naging epekto ng pandemya sa ating pamumuhay. Bukod sa hindi na pwedeng lumabas ng bahay ngayon na walang suot na facemask at face shield ay ang mga health protocols na ipinapatupad saan ka man magpunta mapa sa mga establisyemento man o sa mga pampublikong mga sasakyan.
Isa na nga dito ay ang pagpapatupad ng social distancing sa mga PUV's (public utility vehicles) tulad ng bus at jeep. Para makapamasada ulit ang mga jeepney drivers ay naglagay sila ng mga dibisyon na plastic cover sa kanilang pampasadang jeep.
Ngunit ang isang jeep na ito ay pinuri at kinamanghaan ng mga netizens dahil naka-customized ito na talagang papasa sa social distancing.
Photo credit: Miguel Paulo/ Facebook |
Ang orihinal na larawan ay kuha ni Miguel Paulo na kanyang ibinahagi sa Facebook. Aniya,
"Social Distancing ba kamo?
This driver deserves a commendation! First time to see and ride a customized jeepney intended for this pandemic. Very good design. Very comfortable seats. Spaces are well-planned."
Makikita kasi sa jeep na ito na may sari-sarili ng upuan ang mga pasahero kumpara sa mga tradisyunal na jeep na dalawang mahabang upuan lamang na tabi-tabi pa ang mga pasahero.
At bukod sa naka-social distancing na ang mga upuan ay mayroon pang mga plastic dividers. Dagdag ni Paulo, "Congratulations kuya driver! Mas inuna ang kapakanan ng marami kaysa sa sariling kikitain."
Namangha naman ang mga netizens at narito ang ilan sa kanilang mga komento.
"Dapat ganiyan talaga mas maganda at komportable. Yung ibang PUJ kinover lang na plastic yung mga upuan masabi lang na may social distance pero wala naman."
"Kudos Mamang Driver! Such a good example sa lahat ng jeepney driver. Sana mapakita ito sa television upang gayahin ng mga jeepney driver. Salute!"
"Galing naman sana ganun na lahat ng style ng upuan ng mga dyip."
"Sana ganyan ang jeep natin ngayon pandemic, yun ibang jeep kalahati lang yung plastic at humahampas sa mukha ng pasahero."
0 comments: