Lalaking Nangangalakal Ng Basura Na Binihisan At Inayusan, Pinamangha Ang Mga Netizens Sa Kanyang Mala-Artistang Itsura
Photo credits: Richard Strandz/Facebook |
Iba talaga ang nagagawa ng make-up sa isang tao. Bukod sa napapaganda na nito ang itsura ay nakakapagpa-taas pa ito ng self confidence.
Kamakailan ay nag-viral sa social media ang mga larawan ng isang lalaking nangangalakal ng basura dahil sa kanyang nakakamanghang transformation sa tulong ng isang make-up artist.
Sa vlog na ibinahagi sa Youtube ng make-up artist na si Richard Strandz ay itinampok niya ang isang lalaking nagngangalang Dennis Pascual, isang nangangalakal ng basura.
Photo credits: Richard Strandz/Facebook |
Sa kanilang pag-uusap, ay napag-alaman na si Dennis ay nakatira lamang sa lansangan at ang trabaho niya ay sa pangangalakal ng basura. Wala na rin daw itong pamilya at kamag-anak simula nang siya ay pitong taong gulang at hindi na rin niya matandaan kung sino ang kanyang mga magulang.
Tinanong ni Dennis kung marami na rin daw bang natulungang katulad niya si Strandz at sagot nito na marami na rin siyang natulungan katulad ng mga nagbabasura dahil malapit sa kanyang puso ang mga ito at dati noong bata pa siya ay naranasan niya rin daw kung paano ang mangalakal.
Photo credits: Richard Strandz/Facebook |
Pagkatapos makaligo ni Dennis ay sinimulan na siyang ayusan ni Strandz. Nagsimula sila sa paggupit at pag-istilo ng buhok nito. Inahitan na rin ang kanyang balbas upang maging malinis ang kanyang mukha. Pagkatapos ay binihisan na siya ng magandang damit.
Sa kanilang ginawang photoshoot ay talagang mamamangha ang sinuman dahil ang laki ng pinagbago ng kanyang itsura. Pang-modelo at pang-artista ang kinalabasan ng kanyang make-over.
Photo credits: Richard Strandz/Facebook |
Bukod sa make-over na ibinigay ni Strandz ay binili na rin niya ang mga kalakal ni Dennis sa halagang Php500 at binilhan pa niya ito ng damit. Basta ang pangako lamang nito na maging mabait at masipag ay kanyang tutuparin.
0 comments: