Tuesday, 9 February 2021

Hinangaan: Lolo Na Magtataho Na Sinisikap Parin Kumayod Para Asawa, 10 Anak At Mga Apo

 

Photo credits: Mika Ramos/ Facebook, Felix Endrina/ Facebook

Kahanga-hanga talaga ang mga ama na hindi binibitawan ang kanilang responsibilidad sa kanilang pamilya. Minsan kahit na pa sila ay may edad na ay pinagpapatuloy pa rin nila ang paghahanap buhay para mayroon pa rin silang mapangtutustos sa kanilang pamilya hanggang sa kanilang mga apo.

Katulad na lamang ng 64 taong gulang na lolong ito na si Mang Felix Endrina na ang paghahanap buhay ay pagtataho.

Kahit na pa sa kanyang edad, ay di niya iniinda ang pagod at bigat ng kanyang pinapasang panindang taho para lamang matustusan ang pang araw-araw na gastusin ng kanyang pamilya. 

Photo credits: Felix Endrina/ Facebook


Kinukuha niya ang suplay ng taho sa kanilang kapitbahay na siya namang ibebenta niya simula 6 ng tabi hanggang 2 ng madaling araw. Kapag raw may customer na nag-text sa kanya na nagtatanong kung may tinda ba itong taho ay kanya raw itong pinupuntahan at nilalakad lamang niya.

Isang netizen naman na nagngangalang Mika Ramos ang nagbahagi sa Facebook na nabigyan siya diumano ng flyer ni Mang Felix nang minsang makasabay niya ito. 

At sinabihang ipost niya raw ito sa kanyang social media account para kapag mayroong naghahanap ng taho para sa mga birthday parties ay siya na lamang ang kanilang kukunin.

Mas malaki raw kasi ang kanyang kinikita kapag kinukuha siya sa mga private events dahil minsan ay may kasama pa itong tip. Umaabot sa Php3,500 hanggang Php4,000 ang kanyang kinikita kapag sa mga espesyal na okasyon.

Photo credits: Felix Endrina/ Facebook


Pero kapag naglalako naman siya ay pinagti-tiyagaan pa rin niya ang pasampu-sampung pisong kita kada baso imbes na siya raw ay maging istambay lang sa bahay.

Napag-alaman rin na si Mang Felix rin ang sumusuporta sa kanyang 69 taong gulang na asawa na may ulser, sampung anak at apo. Kaya naman panawagan ng netizen na si Mika ay marami pa sana ang magpa-book kay Mang Felix dahil malaking tulong ito sa kanya.



0 comments: