Tinamnan Na Lamang Ng Mga Halaman Ng Isang 'Plantito' Ang Mga Butas-Butas Sa Kalsadang Di Na Natapos Gawin
Photo credits: Glenn Cui Infante/ Facebook |
Aminin na natin, madalas tayo ay napeperwisyo at naabala sa mga kabilaang pagsasagawa ng mga kalsada. Kung hindi kasi traffic ang dulot nito ay mga lubak-lubak na daan.
Minsan mapapaisip ka na lang, para sa ikakabuti ba nga natin ito o ikakaperwisyo lalo na pa't kung napakatagal nila itong ginagawa o di kaya ay iniwan na lamang na nakatiwangwang. At may mga pagkakataon na minsan ay kakagawa pa lamang ay muli na naman nila itong tinitibag.
Ibinahagi ng netizen na si Glenn Cui Infante ang kanyang ginawa sa mga pinagbubutas na semento sa kanilang kalsada.
Photo credits: Glenn Cui Infante/ Facebook |
Aniya, "Flex ko lang garden ko. Sana all eco friendly yung kalsada."
Makikita sa mga larawang kanyang ibinahagi na tinamnan na lamang niya ng mga halaman ang lupa sa mga butas ng kalsada. Halata rin naman kasi na matagal na ang mga butas sa kanilang daan dahil ang ilan sa mga ito ay mayroon ng tumutubong mga damo.
Kung kaya't imbes na pangit sa paningin ang sirang daan ay ginawaan na lamang niya ito ng paraan upang maging eco-friendly. Pero kung tutuusin nais lang siguro niyang ipabatid na sa tagal tagal na panahon na ginagawa ang kanilang kalsada ay hindi na ito natapos tapos hanggang nagsulputan na ang mga damo rito.
Photo credits: Glenn Cui Infante/ Facebook |
Maraming netizens naman ang naka-relate sa post na ito ni Infante at maging sila ay labis na napeperwisyo na rin sa mga ginagawang kalsada. May mga nakapagsabi na napakarami ngang ginagawang mga kalsada at mayroon pa ang mga hindi pa natatapos hanggang ngayon.
Photo credits: Glenn Cui Infante/ Facebook |
Narito ang ilang komento ng mga netizens.
"Siguro nagkulang yong makukupit kaya di binasag ang kalsada ng tuluyan."
"Meron din po kami dito, yung kalsadang may leak hindi maayos ayos, hayan tinubuan na ng palay at kangkong. hahaha."
"Bubutasin nila tas iiwanan nilang ganyan ano ba yan!"
"Ganda pa ng kalsada binutas na."
"Only in the Philippines, sisirain ang maayos na kalsada tas papalitan ng mas tinipid na kalsada."
0 comments: