Netizen Ibinahagi Ang Nakaka-awang Sitwasyon Ng Isang Otap Vendor, Bumuhos Naman Ang Tulong Ng Mga Netizens
Photo credits: Jan Carlo Colocado/ Facebook |
Ibinahagi ng netizen na si Jan Carlo Colocado ang nakilala niyang isang otap vendor na nagpaantig sa kanyang puso dahil sa sitwasyon nito.
Kwento niya, isang araw ng siya ay nasa Market Market ay nadaanan niya ang isang lalaki na parang nag-aalok ng paninda habang ito raw ay nagpupunas ng pawis. Hindi malinaw ang pagkakasalita nito baka dala na rin ng pagod dahil sa tindi ng sikat ng araw noong araw na iyon.
Nakilala ang otap vendor bilang si Tatay Romy.
Pagbalik raw niya ng hapon ay nakita niya ito na andoon pa rin at maluha-luha na. Kaya naman naisipan na lang niya na bumili sa itinitinda nito.
Photo credits: Jan Carlo Colocado/ Facebook |
Tinanong niya kung ano ang tinitinda nito at sinabi na otap, Php 150 kada balot. Nang bibili na siya ay inalok siya muli si Tatay Romy na kung gusto niya ay gawin na lang niyang dalawa ang bibilin niya dahil wala pa raw itong benta buong maghapon at mag-aalas kwatro na noong oras na iyon.
Natanong ni Colocado kung taga saan ito at sinabi na taga Las Piñas raw siya at nilalakad lang daw niya ng balikan papunta at pauwi sa kanila para makapagtinda sa Market Market at halos wala rin siyang nabebenta.
Hindi raw makakalimutan ni Colocado ang 'tears of joy' ni Tatay ng sinabi na dalawa na ang bibilihin niyang otap at labis ang pasasalamat nito sa kanya.
Photo credits: Jan Carlo Colocado/ Facebook |
Dahil dito ay nanghingi ng tulong si Colocado sa mga netizens na kung meron mang makakasalubong kay tatay ay bilhin nila ang kanyang panindang otap.
"Most of us nahihirapan din at nag-i-strive sa buhay ngayon pero sa maliit na halaga we can actually give a huge help to people like him na kahit matanda na di pa rin basta sumusuko at nagsisikap pa rin makapagprovide."
Photo credits: Jan Carlo Colocado/ Facebook |
Nang magviral ang post ni Colocado ay dumagsa naman ang tulong ng mga netizens kay tatay. May mga nagpa-abot ng tulong pinansiyal kung kaya't ang kanilang mga nalikom na tulong ay ginamit upang ipangbili ng mga pangangailangan ni tatay Romy.
Sana ay marami pa ang magbigay ng tulong kay tatay, para hindi na siya napapagod sa pagtitinda.
0 comments: