Friday, 15 January 2021

Security Guard Nabigyan Ng Reward Na Kotse Matapos Maibalik Ang Isang Nawawalang Wallet

Photo credit: Gregory Gaudet

Isang maswerteng security guard sa Kahului, Hawaii ang nakatanggap ng kotse bilang reward matapos niyang maibalik ang nahulog na wallet ng kanilang customer. Natagpuan ni Aina Townsend, na nagtatrabaho sa Foodland grocery store ang pitaka sa isang shopping cart na ginamit ng kanilang customer sa pamimili. 

Pagkatapos ng kanyang shift sa trabaho ay minabuti niyang hanapin ang nagmamay-ari ng pitaka. Ang 22 taong gulang na staff ay nagbisikleta ng tatlong milya patungo sa address ng may-ari ng pitaka na nakilala bilang si Chloe Marino. 

Nagmamadali raw kasing maggrocery noong araw na iyon si Marino na kasama pa ang kanyang 5 taong gulang na anak na lalaki nang malaglag niya ang kanyang wallet. Laking gulat na lamang niya noong kumatok sa kanilang pintuan ang security guard na si Townsend at hinatid ang kanyang nawalang pitaka.


Photo credit: Gregory Gaudet


Wika ni Marino na hindi man raw niya namalayang nawala pala niya ang kanyang pitaka. At laking paghanga niya kay Townsend sa ginawa nito para maibalik sa kanya ang kanyang nalaglag na pitaka.

Saad naman ni Townsend, "You know, I lost a wallet before too and it's the worst thing in the world. I was just doing what I felt was the right thing to do."

Ang asawa naman ni Marino na si Gray ay nag-alok ng reward para kay Townsend ngunit tinanggihan niya ito. Aniya na napaka-humble at napakabait talaga ni Townsend lalo na pa't talagang dumayo pa ito sa kanila para lamang maibalik ang pitaka ng kanyang asawa.

Dahil sa nais talagang mabigyan ni Gray si Townsend ng pagkilala sa kanyang ginawa ay ipinost niya ang tinawag niyang "Aloha moment" sa Facebook at ito naman agad na nagviral. 
Photo credit: Gregory Gaudet


Ang kaibigan ni Gray na si Gregory Gaudet ay nag-set up ng isang GoFundMe page para kay Townsend. At hangad nilang makalikom ng $5000 para mabigyan si Townsend ng kotse. 

"When I put myself in his position after a long day of work and school, wanting to go home to see my family and go to bed, but choosing to ride my bike to the next town miles away instead to return this woman's wallet, I know this guy has a huge heart. This shows the effect that one act of kindness and selflessness can have, and the way we can impact the world by repeating this actions." saad ni Gaudet.


Photo credit: Gregory Gaudet


Ang kanilang campaign ay nakalikom ng $25,500 na sapat para makabili pa ng bagong kotse. Limang taon ng nagbibisikleta si Townsend papasok sa kanyang trabaho, at ngayon ay laking tuwa niya sa kanyang natanggap na biyaya na isang 2017 VW Jetta na sasakyan.

Mas malaki talaga ang balik na biyaya kapag gumawa ka ng mabuti sa iyong kapwa!

0 comments: