Monday 4 January 2021

Nakakatouch Naman! Aso, Binantayan Ang Isang Lola Na Dating Nag-alaga Sa Kanya Noon

 

Photo Credits: Glomarie Lising/ Facebook

Ang mga aso ang mga pinakamalambing na alaga kung kaya't tinawag silang 'A man's bestfriend.' Tila ba kasi nararamdaman nila kung ano ang nararamdaman din ng kanilang mga amo. Kung kaya't mapapansin rin sa kanilang mga galaw ang nais nilang ipabatid sa atin.

Isang nakakatouch na istorya ang ibinahagi ng netizen na si Glomarie Lising sa Facebook sa isang page na Dog Lovers Philippines. Itinampok rin ang kanyang kwento sa page na Be An INQUIRER. 

Makikita kasi sa mga larawan na kanyang ibinahagi ang isang aso na kasama ang kanyang lola. Ayon kay Lising na taga Palayan City sa Nueva Ecija, ang kanyang Lola Estelita na 87 taong gulang ay nagkaroon ng sakit sa puso noong nakaraang Setyembre na naging dahilan ng pagbagsak ng kanyang katawan.

Photo Credits: Glomarie Lising/ Facebook


Ayon sa kanya, kasama niya ang kanyang lola sa bahay at sa tuwing umaalis siya o kung wala man siya sa bahay ay ang kanyang lola at ang kanilang alagang aso na si Kobe ang naiiwan. Bukod pa sa aso nilang si Kobe ay mayroon din silang ibang aso na inaalagaan rin ng kanyang lola. 

Noong malakas pa raw ang kanyang lola ay siya raw ang nagpapakain at nagpapaligo sa kanilang mga alagang aso. At minsan ay nakikipaglaro din. 

Kung kaya't noong lumabas sa ospital ang kanyang lola ay naging sabik ring makita ng aso ang matanda. Aniya,

"Makuliit po na aso si Kobe, hilig niya po tumakbo at mag roam around. Pero nung nakita niya agad si Lola ay sumampa agad siya sa kama ni Lola at hinalikan niya po ito, tapos super behave niya."

Makikita sa mga larawan na kung noong malakas pa ang matanda ay siya ang nagbabantay noong maliit pa lamang si Kobe kung kaya noong nagkasakit ang kanyang amo ay siya naman ang nagbantay rito.

Photo Credits: Glomarie Lising/ Facebook

Hiling ni Lising sa pamamagitan rin ng kanyang post na sana ay marami rin ang patuloy na magdasal para sa mabilis na paggaling ng kanyang Lola Estelita.

Samantala, marami namang netizens rin ang naantig ang puso sa ginawa ng aso sa kanyang amo at hiling na sana ay manatili siyang malambing at palagi sa kanyang tabi habang nagpapagaling.


0 comments: