Jolina Magdangal Nagbabala Sa Pekeng Online Seller Na Nang I-scam Sa Kanya Sa Pagbili Ng Halaman
Photo from: mariajolina_ig/ Instagram |
Sa panahon ngayon, mahirap ng magtiwala. Lalo na pa at dumarami ang mga bogus sellers at scammers sa mga online transactions. Dahil hindi mo naman nakikita ng personal ang kausap mo ay isang 'risk' talaga na ibigay ang iyong tiwala sa kausap mo.
Minsan ay napakahirap talagang matiyak kung sino ba ang nanloloko sa hindi. Dahil sa una ay tila maayos silang kausap at kapani-paniwala ang kanilang mga sinasabi, ngunit kapag nakuhaan ka na nila ng pera ay bigla na lamang silang mawawala parang bula.
Isa sa mga naging biktima ng mga online scammers ang artistang si Jolina Magdangal. Kwento niya sa kanyang Instagram na na-iscam raw siya ng isang seller ng mga cactus sa Facebook marketplace dahil sa kagustuhan niyang makabili ng Golden Barrel.
Photo from: mariajolina_ig/ Instagram |
Ang seller raw kasi na ito ang nagbebenta ng sobrang mura kung kaya't napabili siya ng tatlong golden barrel at pito pang kakaibang mga cactus.
Noong una raw ay ang ayos kausap ng seller at english speaking pa. Kung kaya't nagtiwala naman si Jolina at binayaran ang kanyang mga pinamili gamit ang Gcash app.
Hapon raw ang huling text nito sa kanya at padeliver na raw ang mga orders niya. Subalit nang imessage ulit siya ni Jolina noong gabi hanggang Lunes ng after lunch ay hindi na ito muling sumagot sa kanya.
Kapag tumatawag raw si Jolina sa Gcash number na ibinigay ng online seller ay ino-off niya raw ito. Kaya naman ang asawa ni Jolina na si Mark ay sinubukang imessage ang scammer sa FB marketplace para kunyari ay mag-oorder rin siya. At nagulat na lamang sila na sumasagot ito sa kanya pero ay Jolina ay hindi na.
Photo from: mariajolina_ig/ Instagram |
Sinabihan ito ni Mark na nasaan na ang mga order ng asawa ko at pagkatapos noon ay hindi na rin ito muling sumagot sa kanya. Hindi na rin nila ma-search ito at malamang ay blinock na niya ang mag-asawa.
Sa madaling salita ay na-iscam na siya ng isang pekeng online seller. Dagdag ni Jolina, na first time lang raw na mangyari iyon sa kanya at ganoon pala ang pakiramdam.
Photo from: mariajolina_ig/ Instagram |
Binalaan naman niya na kung sino man ang online seller na iyon na nagtatago sa pangalang "Samantha" ay maawa naman raw sana ito sa mga taong ninanakawan niya.
"Alam kong mahirap ang buhay ngayon pero hindi yan ang paraan para kumita ka. Maaaring after nito ay magpalit ka na ng account pero malamang itutuloy mo parin yang pangloloko mo. Ang Diyos ay nakikita ang lahat lahat. At pinagdasal na kita sa kanya. Ingat tayong lahat."
0 comments: