Sunday, 17 January 2021

Hingi Makahinga, Pawis Na Pawis: Concerned Netizen, Sinaklolohan Ang Isang Lolang Iniwan Sa Loob Ng Sasakyan

 

Photo credit: Grace Samillano-Lacusong/ Facebook

Sadyang mapanganib ang mag-iwan ng tao sa loob ng sasakyan lalo na pa't kung hindi ito umaandar at sarado ang mga bintana. Bukod sa umiinit ang loob ng sasakyan kapag nakaparada ay kumokonti rin ang hangin nito sa loob. Kung kaya't kapag mayroon mang taong naiwan sa loob nito ay tiyak na masu-suffocate o mahihirapang makahinga.

Naibahagi ng concerned netizen na si Grace Samillano-Lacusong sa kanyang Facebook account ang isang lola kanyang sinaklolohan dahil sa labis niyang ikinabahala ang kalagayan. Naiwan kasi ang matanda sa loob ng sasakyan habang ito ay nakaparada sa isang pamilihan sa Alabang.

Aniya na nakaparada siya sa tabi ng sasakyan kung saan nakasakay ang matanda at nakita niyang nagpupumilit lumabas ito sa  itim na SUV dahil hindi na raw ito makahinga ng maayos. Nagmamakaawa na rin daw siya na palabasin. 

Photo credit: Grace Samillano-Lacusong/ Facebook


Tinawag niya ang atensyon ng mga guwardya doon at pinapa-page sa isang staff ang may-ari ng sasakyan ngunit sa kasamaang palad ay wala raw silang paging system. Kung meron man sana ay mas mapapadali nilang mahanap ang may-ari ng sasakyan.

Makikita na sa maliit lamang na nakabukas na bintana nagpupumilit lumabas ang matanda dahil pawis na pawis na ito at nahihirapan ng huminga dahil nakulob na siya sa loob ng sasakyan. Binilhan na raw niya ng tubig at pagkain ang matanda dahil nauuhaw at nagugutom na rin ito.

Hanggang sa nabuksan ng mga guwardya ang pinto ng sasakyan at makikita ang matandang nanghihina at saka na nila ito pinaypayan ng pinaypayan upang makahinga ng maayos. 

Hinintay raw ni Lacusong ang may-ari ng sasakyan. At nagbigay ng update tungkol sa pangyayari.

Screenshot from video of Grace Samillano-Lacusong/ Facebook

"Naintay ko yung may-ari. Babae rin pala. At dalawa sila! Salamat daw sa concern, wala rin daw akong alam, may alzheimer's daw si lola."

Ang punto niya ay bakit raw iniwan ang matanda sa loob ng kotse na mag-isa kung alam naman pala nilang mayroon itong kondisyon. 

"May alzheimers's? Bakit iniwan niyo mag isa? I don't care about her past. What I care is her well being at the moment! Hindi na makahinga ng maayos at pawis na pawis na si Lola sa loob ng sasakyan. Gutom na rin daw siya."

Dagdag niya na masakit para sa kanya yung nangyari na parang nagagalit pa ang kasamang babae ng matanda dahil pinalabas niya ito sa sasakyan. 

Screenshot from video of Grace Samillano-Lacusong/ Facebook

"Oo, pinalabas ko, but I asked the guards and staff to assist me, bantayan si lola habang nabili ako food for her. Oo, ako nagbukas ng door niya. Kasi di siya marunong. Nag alarm pa nga ng bongga sasakyan niya eh."

Wika niya na hindi rin raw niya naramdaman ang sinseridad ng babae tungkol sa pagiging concern niya sa matandang iniwan nila.

Dagdag niya, 

"Next time, kung di mo rin naman kaya isama sa loob ng establishment, dahil dalawa naman kayo, sana naiwan isa na kasama niya sa sasakyan."


0 comments: