Guro Kinaaliwan Ang Sagot Sa Kanyang Estudyante, "Wait, Lang Ikakasal Lang Si Mam"
Photo credit: Irish Jeanne/ Facebook |
Tumatayong mga pangalawang magulang sa paaralan ang mga guro dahil tumutulong sila sa pag-gabay sa pag-aaral ng mga bata. Gayunpaman, mayroon rin silang personal na buhay na dapat rin nilang pagtuonan ng pansin.
Kinaaliwan sa social media ang reply ng isang guro sa kanyang estudyanteng may tinatanong gamit ang chat.
Ibinahagi ng gurong si Irish Jeanne ang screenshot ng pag-uusap nila ng isa sa kanyang estudyanteng nagtatanong tungkol sa kanyang papel.
Tanong ng bata,
"Maam saan niyo po nakuha yung papel ko na nachekan nyo po kase po mam wala daw yung ibang sub eh magkakasama po yan ih."
Photo credit: Irish Jeanne/ Facebook |
Imbes na pabayaan o hindi muna replyan ng guro ang kanyang estudyante ay minarapat niyang sabihin na ikakasal muna siya noong oras na iyon.
Ani Irish, "Wait lang Larah, ikakasal lang si maam. Replyan kita later."
Dahil hindi naman siguro alam ng estudyante na kasal pala ng kanilang teacher noong araw na iyon kaya niya minessage ito tungkol sa papel na kanyang tinatanong. At para naman ipaalam na kasalukuyang kinakasal si teacher noong oras na iyon ay nagsend na lamang ito ng 'selfie' na suot-suot ang kanyang wedding gown at sinabi na rereplyan na lamang niya ito mamaya.
Photo credit: Irish Jeanne/ Facebook |
Bumuhos naman ng mga pagbati ang bagong kasal at kinaaliwaan ang post ni Irish ng mga netizens kung kaya't ito ay nagtrending. Narito ang ilang komento ng mga netizens.
"Kasal now, check later! Congratulations, Mrs. Irish!"
"Natawa naman ako dun. Oo nga naman. wait lang. hahaha."
"Maam kasal ka naman na eh. Pwedeng bonus sa mga estudyante? hahaha"
"Nga naman pakasal lang muna si maam."
Hinangaan rin ng mga netizens si Teacher Irish dahil kahit na napakahalagang araw iyon para sa kanya ay hindi siya nagdalawang isip na sagutin pa rin ang kanyang estudyante. Patunay lang talaga ito na kahit anong oras ay kaya nilang isantabi ang kanilang personal na buhay para sa kanilang responsibilidad bilang pangalawang magulang.
0 comments: