Tuesday, 2 February 2021

Netizen, Nahabag sa isang lalaking nagtitinda ng lobo na may kasamang anak na nakatulog

 

Photo credit: Jandale Gacasa Forrester/ Facebook

Isa sa mga pagsubok sa pagiging magulang ay ang pag-aalaga ng bata habang nagta-trabaho. May mga pagkakataon na minsan ay wala ka talagang mapag-iiwanan ng iyong anak kung kaya't kailangan silang isama sa iyong trabaho.

Katulad na lamang ng isang tindero ng lobo na ito na nakitang nagpapahinga kasama ang kanyang anak sa isang lilim sa kalsada.

Naibahagi ang larawan na ito sa Facebook account ng netizen na si Jandale Gacasa Forrester. Aniya sa kanyang post,

"Di ko alam pero sobra akong nahabag kay tatay. bukod sa nagtitinda siya kasama niya pa anak niya! God bless you tay masyado nyo sinaktan ang puso ko. mag-iingat po kayo at ang anak niyo! Di niyo alintana ang panganib pero nag-susumikiap kayong itaguyod ang anak niyo. Sobra akong naiiyak. GOD BLESSED YOU PO PLEASE PA SHARE NAMAN PO"

Photo credit: Jandale Gacasa Forrester/ Facebook

Napag-alaman ng netizen na taga Kawayanan Talaba Bacoor, Cavite raw ang mag-ama. Mayroon siyang asawa at tatlong anak. Noong araw na iyon ay wala pa siyang nabebentang mga lobo kung kaya't nagpahinga muna daw sila ng kanyang anak dahil sobrang inaantok na ang bata.

Bakas sa mukha ng mag-ama ang pagod kung kaya sa may lilim na lamang sa tabi ng kalsada sila nagpahinga. 

Samantala, maraming netizens ang naantig at naawa sa kalagayan ng mag-ama. Nang mag-viral ang post ni Forrester ay may mga netizens na nag-paabot ng tulong sa pamilya ng tindero. Narito ang komento ng mga netizens tungkol dito.

Photo credit: Jandale Gacasa Forrester/ Facebook


"Madalas sila naka-tambay at nagtitinda sa gilid ng Jollibee Naga road tapat ng Puregold, Pulanlupa Dos Las Piñas City. Lagi ko inaabutan yan si tatay ng isang kahon na gatas at 40 pcs na diaper kapag naabutan ko sila every payday. Sana matulungan din sila ng ibang may kakayanan."

"Salute to a father like you. though life is hard and full of danger. you just keep your faith of doing a clean job and taking care of your child at the same time!"

"Saludo ako sa ganitong klaseng ama. marami lalaki jan tinatakasan ang responsibilidad sa anak."

"Hindi masukat ang aking paghanga sa iyo Tatay. Nakakalungkot lang na sa ganitong paraan ka naghahanap buhay upang maitawid mo lang ang pang araw araw na makakain. Sadyang napakahirap ang maging mahirap. Pero labis akong humahanga sa iyong pagsisikap na imbes na gumawa ka ng masama at sa marangal na pamamaraan ang iyong pagsisikap."


0 comments: