Wednesday, 20 January 2021

Ukay-ukay Seller, May Nakakapangilabot Na Karanasan Sa Kanyang Binebentang Pulang Polo Shirt

 

Photos from: Google

Sa mahal ng mga bilihin ngayon kaya nauso ang mga thrift stores o mas kilala kung tawaging "ukay-ukay." Ang mga binebenta kasing mga gamit dito ay mga second hand o mga nagamit na ng iba. Bukod sa mga damit, sapatos, at bags minsan ay mayroon ding mga ukay-ukay na mga gamit pambahay ang kanilang binebenta.

Tiyak na bawat ukay-ukay seller ay may kani-kanilang karanasan at kwento tungkol sa kanilang mga binebenta. Katulad na lamang ng isang seller na ito na nagpakilala bilang si Lez.

Ibinahagi ang kanyang istorya sa Facebook page na Spookify dahil sa nakakakilabot nitong karanasan sa pagbebenta ng second hand na mga damit.




Taong 2019 raw nang siya ay magsimulang magnegosyo ng ukay-ukay. Mabilis raw itong bumenta sa online. Habang nagli-live selling raw siya hawak ang isang pulang polo shirt, may nagko-komento raw sa baba ng kanyang video na ang cute raw ng bata na nasa likod niya.

Nagtataka siya kung bakit nagkokomento ang kanyang viewers ng ganoon samantalang siya lamang mag-isa sa kanilang bahay. Napahinto siya at sinabing sandali lang dahil baka may nakapasok sa kanilang bahay ng di niya namamalayan. Ngunit wala naman.

Nang bumalik siya sa pagli-live ay mayroong isang buyer na nagkomento ng 'mine' sa polo shirt na pula na kanyang hawak. 

Kinabukasan ay inayos na raw niya lahat ng package na ipapadala niya sa kanyang mga buyers. Makalipas ang tatlong araw ay nagmessage sa kanya ang babaeng bumili ng pulang polo shirt. At nagrereklamong bakit iba raw ang damit na naipadala sa kanya. 

Nagsend pa raw ng picture ang babae kung kaya't napaisip siya na baka manloloko lang ito. Imposible raw naman kasi na magkamali siya dahil wala naman raw siyang ganoong tininda noong naglive siya.




Sa bandang huli ay nag-sorry na lamang siya rito at baka nga nagkamali raw siya ng pagkaka-pack at sinubukan niyang hanapin sa kanyang cabinet ang pulang polo shirt. Subalit wala siyang nakita.

Bandang gabi nang nakahiga na siya sa kama, naka-off na ang ilaw at nagse-cellphone, kukunin na sana niya ang kumot para italukbong sa kanyang mukha subalit pagkakuha niya ay laking gulat niya na hindi kumot ang kanyang nahawakan kung di iyong pulang polo shirt.

Sa sobrang takot ay napatakbo siya at sinindi ang ilaw at nakitang ang pulang polo shirt nga ang kanyang hawak. Agad niya raw itong hinagis sa labas ng kwarto at nilock ang pinto. Bumalik siya sa kama para humiga at iniwan na lang na nakasindi ang ilaw.

"Mga isang oras nakalipas tipong napapapikit na ko. Bigla may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Sa takot ko sinilip ko lang sa baba ng pinto kung sino yoon. Wala kasi ako kasama noong panahon na yon. Pagkita ko yung pulang damit para nagsasayaw, parang nililipad ng hangin. Kita ko yung anino at dulo ng damit."



Naglakas loob siyang buksan ang pinto at nakita raw niya ang batang tinutukoy ng kanyang mga viewers sa live selling habang suot ang pulang polo shirt. Bigla raw itong nagsalit at tinanong kung bakit ibebenta raw niya ang damit na iyon samantalang bigay raw sa kanyang iyon ng kanyang nanay noong birthday niya at mismo araw na naaksidente siya.

Aniya, ay nawalan raw siya ng malay pagkatapos noon. At pagkagising sa umaga, nasa harap raw siya ng pinto nakatulog. Pagbangon niya, ang pulang polo shirt ay naging puti na raw. Napaisip siya na baka sumakabilang buhay na ang talagang may-ari ng damit na iyon at puro dugo ang polo shirt dahil nga naaksidente ang bata.

Pagkatapos ay inilagay niya raw sa kahon ang polo shirt at pinagdasal at saka ito inilibing ng maayos. At simula noon ay hindi na siya muling nagbenta ng ukay ukay dahil aniya na hindi naman talaga raw niya alam kung san nanggaling mismo ang mga damit.

Mahilig rin ba kayo sa mga ukay-ukay?

0 comments: