Lalaki, Ibinahagi Ang Weight Loss Journey Dahil Sa Pagbibisikleta Simula Noong Lockdown
Photo from: GMA Public Affairs/ Youtube |
Hindi maganda ang sobrang timbang at taba sa katawan. Bukod sa maaari itong makapagdulot ng iba't ibang komplikasyon sa kalusugan ay nakakababa rin ito ng kumpyansa sa sarili.
Marami ang nagnanais na pumayat, subalit kung walang disiplina sa sarili at hindi ka mag-eehersisyo ay talagang hindi ka papayat. Ang isang lalaking ito, ibinahagi ang kanyang weight loss journey sa pamamagitan ng pagbibisikleta.
Naisipan ng 35 taong gulang na si Wilson Encina na gumamit na lamang ng bisikleta para makarating sa kanyang trabaho mula Valenzuela hanggang Malabon dahilan na rin ng kakulangan sa transportasyon noong magsimula ang lockdown.
Photo from: GMA Public Affairs/ Youtube |
Noon kasi motor ang kanyang ginagamit dahil gusto niya laging mabilis. Pero mula ng magkaroon ng pandemya at naging mahigpit sa mga motor at sa dami ng mga checkpoint kaya naisip niyang magbisikleta na lamang siya.
Naisip niya rin na kailangan niyang mahalin ang kanyang sarili at palakasin ang resistensya kaya pinursigi niya ang pagbibisikleta. Aniya na double purpose na rin na papayat ka.
Kwento niya na noong umpisa ay parang pinupunit ang mga binti at hita niya. Tatlong kilometero pa lamang ang kanyang natatakbo ay tagaktak na siya ng pawis, kinakapos na ang hininga, hapong-hapo, uhaw na uhaw at parang ayaw na niyang magpatuloy.
Subalit tinatak niya sa kanyang isipan ito. "IF IT DOESN'T CHALLENGE YOU IT WILL NOT CHANGE YOU."
Photo from: GMA Public Affairs/ Youtube |
Ngayon ay nakaka 20km na siya at nabibitin pa siya. Noong gumagamit raw siya ng motor ay mabilis ang kanyang takbo subalit ngayong siya ay nagbibisikleta ang bilis niya ay nakadepende na sa katawan niya at ahon ng kalsada.
Aniya na naging mas mapagmahal na siya sa mga puno dahil doon masarap magpahinga at lumanghap ng sariwang hangin hindi tulad noong siya ay nagmomotor na nakakadagdag pa siya sa polusyon sa kapaligiran.
Photo from: Wilson Encina/ Facebook |
Dagdag pa niya na noon ay hindi raw siya kaya ng bike dahil ang maximum capacity ng gulong ay 80kgs kaya nagpalit siya ng gulong. "Di ko sinukuan ang bike ko. At hanggang ngayon di pa niya rin ako sinusukuan."
Mula 190lbs na timbang ay nasa 150lbs na lamang siya ngayon.
Maganda talaga ang pagbibisikleta, bukod sa nakakapaglibang ka na ay nakakapag-ehersisyo ka pa at nababawasan pa ang iyong timbang.
0 comments: