Thursday, 21 January 2021

Dating Barbero, Nagpursiging Makatapos Ng Medisina Ngayon Ay Isang Ganap Na Doktor Na

 

Photo from: VP Leni Robredo/ Facebook

Walang pangarap na imposibleng matupad kung ginagawa mo ang lahat at pinagpupursigihan upang makamit ito. 

Katulad na lamang ng isang lalaking ito na nakilala bilang si Jess Dexisne. Salat man sa buhay ang kanyang pamilya ay hindi niya ito hinayaan na maging hadlang upang makamit ang kanyang pangarap na maging isang doktor.

Nasa high school pa lamang siya noon ay pinagsasabay na niya ang pag-aaral at pagsa-sideline bilang isang barbero sa barbershop ng kanyang lolo. Hanggang sa siya ay makapagkolehiyo at kumuha ng kursong nursing, ang kinikita niya bilang isang barbero ang nagsilbing daan upang maitustos niya ang kanyang pag-aaral.

Photo from: VP Leni Robredo/ Facebook


Hindi rin naging madali ang kanyang buhay dahil kahit sa gitna ng kanyang pagsisikap ay nakailang ulit rin siyang huminto sa pag-aaral. Kinailangan niyang huminto noon sa pag-aaral dahil sa magkakasunod sunod na bagyo na tumama sa kanilang lugar na nakaapekto sa rin sa paghahanap buhay ng kanyang magulang.

Aniya, "Yon' yung mga panahon na kaliwa't kanan yung bagyong dumarating, halos buwan-buwan may bagyo. Nag-stop ako kasi anim kaming magkakapatid, hindi kakayanin ng parents ko so nagtrabaho muna ako."

Ngunit nahinto man siya sa pag-aaral ay hindi niya naisip na sukuan ang kanyang pangarap. Sa halip ay mas tinatagan pa niya ang kanyang sarili at mas lalong nagsikap, pinagpatuloy niya ang kanyang pagtatrabaho bilang isang barbero at itinuloy ang kanyang pag-aaral.

Photo from: VP Leni Robredo/ Facebook


Nagbunga naman ang lahat ng ito ng makapasa siya sa Phyisician Licensure Exam noong Oktubre 2020. Mula sa pagiging barbero ay isa na siya ngayong ganap na doktor.

Wika niya,

"Sa buhay po, napakarami talagang pagsubok- madadapa, matatalo, malulungkot po tayo- pero kailangan po nating itong pagdaanan para lumakas tayo. Ang pangaral na matututunan natin sa pagkabigo ay gawin na lang natin itong panggatong para sa ating mithiin, para maabot ang ating mga pangarap. Marami po tayong kakayahan, kapasidad at abilidad. Wag po natin itong sayangin."


0 comments: